Google
 
Latest | Home | Past Issues | Top Stories | Latest News | U.S. Briefs | Tech Updates | Hobbies
   
Filipino Recipe



    Other News
Sat Aug 30, 2008

Vol. XVI, No. 10
 Pinoys in Canada keeps growing
 Brownback harnesses IA Filam leader
 Angel of Bataan dies in Calif
 Honda asks Japan to apologize
 



    What's on the Mail
Home
 Top 10
 Past Issues
 Stories Archive
 Country_Codes
 U.S. Area Codes
 Phils. Area Codes
About Us
 About
 Contact_Us
 Our Staff
 SiteMap
Features
 Search Our Site
 Google Search
 AvantGo
 Google Guide
 Web Links
 More items
· The Holy Bible

Free Classifieds



   




   



   



   



   



   



   

The Mail RSS Feed.The Mail RSS Feed.
Subscribe Now


Subscribe in Rojo







   
Joost? the best of tv and the internet



   
Ship Any Box, At Forex size Doesn''t Matter.



   



More News: Mabuhay ang Pilipinas

Mabuhay ang Pilipinas

By Sierramar Cordero
Malalaman mong talaga ka nang nasa Pilipinas kapag tumawag ka sa telepono at may sumagot sa iyong, “for a while,” sa halip na yung karaniwang “just a moment” o dili kaya ay “sandali lang ho.” Nang una kong marinig ito ay kamuntik na akong napahalakhak pero pagkaraan ng ilang sandali, bumulong ako sa sarili ng, “o, sige na nga.”
Unti-unti nang nararamdaman natin ang epekto ng brain drain dito. Isang kaibigan ang nag-apply sa Social Security System o SSS para sa kanyang pension. Sa unang tingin ay parang may sistema namang naturingan ang SSS. Pero lumitaw na ang pagbibigay nila ng kaukulang impormasyon tungkol sa mga hakbang na kailangang gawin ng aplikante ay piecemeal o pira-piraso. Kulang-kulang ang kanilang mga pahayag na ibinigay sa aking kaibigan. Bunga nito ay pabalik-balik siya sa kabila ng kanyang pagkayamot. Wala na kayong mahusay na magsusulat ng isang pangkalahatang checklist para maiwasan ang ganitong pangyayari? Wala namang aplikante na gugustuhing magpabalik-balik siya lalo pa’t magtataasan na ang pasahe. Kaya pala anya mistulang hinalong kalamay ang mga tao pag nagpunta ka sa SSS. May kanya-kanyang kwento ang karamihan ng may transaksyon sa higanteng ahensya ng gobyerno. Naruon ang may nagsabing inabot na siya ng anim na buwan sa pag-apply pa lang.
Sa kasalukuyan, ang Department of Foreign Affairs o DFA ay malimit mabanggit sa mga balita, tulad ng inaasahan. Nariyan ang masalimuot na pangyayari sa ilan nating overseas workers, ang pagkapaslang sa isang mataas niyang pinuno, at ngayon ay ang rigodon ng mga mag-ookupa ng embahada o konsulado sa iba’t ibang bansa. Lumalabas na walang patumangga ang Pangulong Gloria Arroyo sa paglalagay ng mga taong malalakas sa kanya. Bunga nito ay nawawalan ng puwesto ang mga career officers ng departamento. Yung mga magagandang postings ay pinag-aagawan ng mga malalakas at kung ano na lang matira ang pagtitiyagaan ng mga taga-loob. Panahon na siguro para ang mga magigiting na mga tao natin sa DFA ay ipakitang sila ay karapat-dapat na sumunod sa mga adhikain ng Ka Poling(Apolinario) Mabini at labanan ang sistemang binabaluktot ng ating pamunuan. Dapat silang magkaisa at magprotesta isang araw laban sa ganitong palakad ng presidenta. Tulad baga ng mga obispo na may planong maglunsad ng isang araw ng pagluluksa sa ika-11 ng Hunyo, bisperas ng ating Araw ng Kalayaan.
Nagsisimula lang yan sa ganyan. Bago mamalayan ay para ka na palang na-tsunami. Ang mga pinuno ng ating bansa ay kailangang marunong “magbasa” ng mga nangyayari. Hindi ba’t matagal din bago tayo nag-alsa laban kay Ferdinand Marcos? Inabot tayo ng 14 na taon. Pero eto at wala pang tatlong taon ay nawala na sa kapangyarihan si Joseph Estrada, salamat sa tulong ng modernong teknolohiya. Marami ang nagsasabi na kung marunong-runong daw si Noli de Castro ay malamang nawala na sa eksena ang ating kasalukuyang pangulo. Masasabi natin na sa kasalukuyan, ang mga tao ay mulat na, hindi na natutulog, kaya kung sinuman ang mga nasa pamunuan ay kailangang magpakabuti sa pag-ugit sa ating pamahalaan. Tutal, talaga namang yan ang pinanumpaan nilang gagawin.
Ako’y hindi nawawalan ng pag-asa sa ating lupang tinubuan at sa ating mga tao:
Habang may pumupuna na katulad ng Representante ng Catanduanes na si Joseph Santiago sa panukala ng Government Service Insurance System(GSIS) na mag-invest sa labas o international market ng $200 milyon o katumbas ng P11 bilyon,
Habang may isang Dennis Miguel at Council for Children in Conflict with the Law doon sa Marikina City na nagsusumikap turuan ang mga presong menor de edad ng painting samantalang ang mga ito ay nakabilanggo gawa ng mabagal pa sa pagong na pagkilos ng hustisya,
Habang may humahadlang na mga taumbayan sa gustong pagtatayo ng pamahalaan ng dalawang palapag na gusali para umano sa mga guro doon mismo sa loob ng Arroceros Forest Park na tinaguriang “huling baga(lung)” ng Maynila.
Habang may Alternative Learning on Higher Arithmetic o ALOHA Learning Systems, Inc, kung saan tinuturuan ang ilang kabataan natin ng matematika na ikinapanalo nila sa taunang Olympiad. Bunga nito’y hinihimok ng ALOHA na subukan ng ating Department of Education ang kanilang pamamaraan ng pagtuturo ng matematika.
Hindi tayo nawawalan ng pag-asa sapagkat naniniwala tayo sa kasabihang, “GOD writes straight with crooked lines.” Kaya, Pilipinas naming mahal, mataos na pagbati sa iyong ika-107 na anibersaryo ng kalayaan. Mabuhay!
At bago tayo tuluyang magpaalam, batiin natin si Sister Trinidad Oliva, OSB, sa kanyang Golden Jubilee noong nakaraang buwan at si Fr. Ruper Solis, SVD, sa kanyang ordinasyon na ginanap sa Tagaytay City kamakailan. Mabuhay tayong lahat!

 
More News: Mabuhay ang Pilipinas
 
Posted on Friday, June 17 @ 14:19:02 CDT by software world
 

    Related Links
· More about More News
· News by software world


Most read story about More News:
When ?Balikbayans? become ?Balikbangkays?




    Article Rating
Average Score: 0
Votes: 0

Please take a second and vote for this article:

Excellent
Very Good
Good
Regular
Bad




    Options

 Printer Friendly Printer Friendly






Home About US Contact Us Free Classifieds Search Downloads Topics Top Archives SiteMap
Search the Manila Mail Powered by Google