Google
 
Latest | Home | Past Issues | Top Stories | Latest News | U.S. Briefs | Tech Updates | Hobbies
   
Filipino Recipe



    Other News
Wed Oct 08, 2008

Vol. XVI, No. 16
 He was mocked by Rumsfeld, Ostracized
 'Kulitin N'yo Sila,'Gordon tells Filams
 RP exerting effort to stop human trafficking -US
 2 Filam soldiers come home in caskets
 



    What's on the Mail
Home
 Top 10
 Past Issues
 Stories Archive
 Country_Codes
 U.S. Area Codes
 Phils. Area Codes
About Us
 About
 Contact_Us
 Our Staff
 SiteMap
Features
 Search Our Site
 Google Search
 AvantGo
 Google Guide
 Web Links
 More items
· The Holy Bible

Free Classifieds



   




   



   



   



   



   



   

The Mail RSS Feed.The Mail RSS Feed.
Subscribe Now


Subscribe in Rojo







   
Joost? the best of tv and the internet



   
Ship Any Box, At Forex size Doesn''t Matter.



   



Time to relax: Kung Pinoy si Noah....

Ganito ang mangyayari sa barko. Read along ... ...... ... ... ... ... ... ..

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong
nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po
natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo ."

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.
Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa
Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang

30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay
nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.

Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng
mga gambling lords at katas ng weteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara
nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng
church at state .


Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon
na ang barko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil
daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic". "Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko.

Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang
wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."

 
Time to relax: Kung Pinoy si Noah....
 
Posted on Tuesday, April 17 @ 07:13:00 CDT by news_keeper
 

    Related Links
· More about Vol. XVI, No. 11
· News by news_keeper


Most read story about Vol. XVI, No. 11:
US offers $5-M on Malaysian bomber




    Article Rating
Average Score: 0
Votes: 0

Please take a second and vote for this article:

Excellent
Very Good
Good
Regular
Bad




    Options

 Printer Friendly Printer Friendly





Associated Topics

Vol. XVI, No. 11


Home About US Contact Us Free Classifieds Search Downloads Topics Top Archives SiteMap
Search the Manila Mail Powered by Google